Paalala laban sa krimen at ilegal na droga, tinalakay sa mga pasahero sa Tagum Public Terminal

Bilang bahagi ng kampanya para sa mas ligtas at maayos na pamayanan, nagsagawa noong Hunyo 19, 2025, ng isang makabuluhang diyalogo ang mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 11 kasama ang mga pasahero sa Tagum Public Terminal.

Layon ng aktibidad na ipabatid sa publiko ang mga mahalagang paalala sa crime prevention at pagpapalaganap ng kamalayan laban sa iligal na droga.

Sa pamamagitan ng maikling talakayan, ipinaliwanag ng mga pulis kung paano maiiwasan ang pagiging biktima ng krimen, at kung paano makakatulong ang bawat isa sa pagtutol sa paglaganap ng pinagbabawal na gamot sa komunidad.

Bukod sa dialogue, namahagi rin ang mga pulis ng polyeto na naglalaman ng impormasyon ukol sa mga hakbang upang mapanatili ang kaligtasan at numero ng mga tanggapan sa panahon ng insidente.

Pahayag ng RPCADU 11, malaking tulong ang mga ganitong aktibidad sa pagpapataas ng kaalaman ng publiko lalo na sa mga lugar gaya ng pampublikong terminal kung saan maraming tao ang dumadaan araw-araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *