BPAT, nanguna sa seguridad ng mga mag-aaral sa Balik-Eskwela sa Lungsod ng Tuguegarao

Ipinamalas ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPAT) ng Barangay Annafunan West ang kanilang kahandaan at malasakit sa komunidad sa pamamagitan ng aktibong pagbibigay ng seguridad at tulong sa trapiko sa Annafunan Integrated School sa Balik-Eskwela nito lamang ika-23 ng Hunyo 2025

Pinangunahan ng mga miyembro ng BPAT, katuwang si Police Master Sergeant Reynaldo Pamittan, Pulis sa Barangay ng Tuguegarao Component City Police Station, ang pagpapatupad ng mga hakbang upang maiwasan ang anumang insidente at matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at mga magulang.

Ang kanilang presensya sa paligid ng paaralan ay naging mahalagang salik sa maayos at mapayapang araw ng klase, kung saan naging mabilis at organisado rin ang daloy ng trapiko.

Ang inisyatibong ito ay patunay ng matibay na ugnayan ng barangay at kapulisan, at ng mahalagang papel ng mga BPAT bilang katuwang ng PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa mga komunidad.

Patuloy na kinikilala at pinapalakas ang papel ng mga BPAT bilang mga bayani sa barangay na handang maglingkod at magbantay para sa kapakanan ng mamamayan.

Source: Tuguegarao Component City Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *