Information Drive, isinagawa sa Transport Group sa Boac, Marinduque
Matagumpay ang isinagawang Information Drive ng mga tauhan ng Boac Municipal Police Station na ginanap sa Barangay Murallon, Boac, Marinduque nito lamang ika-24 ng Hunyo 2025.
Ang aktibidad ay naisakatuparan sa pangunguna ni Pat Roan Beth L Carpio Asst. at dinaluhan ng mga miyembro ng Transport Group sa barangay.
Ang mga paksang tinalakay ay nakatuon sa Balik Eskwela Safety Tips, Laws protecting Women and Children, Anti-illegal Drugs Campaign, ELCAC at KTE.
Nagbigay rin ng mga leaflet na naglalaman ng mga karapatang pantao, mga tip sa kaligtasan at mga Tip sa Pag-iwas sa Krimen.
Layunin ng aktibidad na maipabatid sa publiko ang mahahalagang impormasyon at mapalawak ang kanilang kaalaman ukol sa mga paksang tinalakay
Source: Boac MPS