Bloodletting Activity, isinagawa

Isinagawa ang bloodletting activity sa Barangay Dadiangas West, General Santos City nito lamang Lunes, Hunyo 23, 2025.
Ito ay nilahukan ng Red Cross GenSan, DOH Gensan, City Health Office (CHO), at ang Gensan PNP.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Punong Barangay, kasama ang mga kasamahan sa Barangay Council at mga masisipag na Barangay Health Workers (BHW).
Layunin ng aktibidad na ito ang makapagtipon ng sapat na suplay ng dugo para sa mga ospital at pasyenteng nangangailangan ng agarang transfusion.
Sa pagtutulungan ng mga ahensyang pampubliko at suporta ng mamamayan, naipamalas muli ng ating komunidad ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa tungo sa kaligtasan at kagalingan ng nakararami.
Ang matagumpay na pagsasagawa ng bloodletting ay hindi lamang simpleng aktibidad – ito ay isang patunay na ang Barangay Dadiangas West ay aktibong nakikibahagi sa mga programang pangkalusugan at pangkapayapaan ng pamahalaan.
Isa rin itong hakbang upang mapalakas ang tiwala ng mamamayan sa mga lokal na lider at sa mga institusyong nagsusulong ng serbisyong totoo para sa bayan.
Sa panahon ng pangangailangan, ang pagkakaisa, malasakit, at tamang impormasyon ang sandigan ng ligtas at matatag na komunidad.
Maging bahagi ng solusyon. Mag-donate ng dugo. Maging bayani.
