City Peace and Order Council (CPOC) Meeting, isinagawa sa Guihulngan City

Isinagawa ang regular na pagpupulong ng City Peace and Order Council (CPOC) sa Guihulngan City, Negros Oriental nitong ika-26 ng Hunyo 2025.

Ang naturang pagpupulong ay pinangasiwaan ni Ginoong Ruel M. Reyes, DILG-City Local Government Operations Officer (CLGOO) at Head Secretariat ng CPOC, kasama si Ginoong Champ Mickel C. Yared, Executive Assistant.

Dumalo rin ang mga miyembro ng konseho upang talakayin ang mga isyung na may kaugnayan sa kapayapaan at kaayusan ng lungsod.

Isa sa mga pangunahing paksa sa agenda ang pagbibigay ng update sa kalagayan ng peace and order sa lungsod. Tinalakay nila ang mga kasalukuyang hamon sa seguridad at mga hakbang na ginagawa upang mapanatili ang kaayusan sa Guihulngan. Inilahad din ang mga kaganapang may kaugnayan sa kriminalidad at banta ng insurhensiya.

Kabilang din sa mga mahalagang napag-usapan ang pagsulong ng mga kampanyang pangkamalayan o awareness-raising activities, kabilang na ang “Dagyawan sa Barangay” na layong labanan ang ilegal na droga, insurhensiya, at iba pang banta sa seguridad ng mga barangay sa naturang lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *