Free Circumcision Outreach Program, isinagawa sa Mondragon, Northern Samar
Matagumpay na isinagawa ang Free Circumcision Outreach Program o Operation Tuli sa Barangay San Juan, Mondragon, Northern Samar nito lamang Huwebes, ika-26 ng Hunyo 2025.
Ang kaganapan ay inisyatiba ng 803rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 sa pamumuno ni Police Captain Solomon A Agayso kasama si Police Lieutenant Mark Rey I Andoyo, Administrative, CAS, at Human Rights Officer, sa pakikipagtulungan nina Mrs. Claudine De Guia-Tonog, RM, miyembro ng Advisory Group (Women Sector); Mr. Aaron Dy Go na nagsilbing sponsor ng aktibidad at ang mga Barangay Officials at Health Workers na ang tulong ay naging instrumento sa maayos at ligtas na paghahatid ng serbisyo.

Tinatayang nasa kabuuang 14 kabataang indibidwal mula sa barangay ang nakinabang sa libreng medical procedure.
Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na pangako ng yunit na palawigin ang serbisyo publiko katuwang ang iba’t ibang sektor ng komunidad kasabay sa pagpapatupad ng batas sa mga komunidad na pinaglilingkuran nito.