Kagamitang pangkaligtasan at operasyonal, ipinamahagi sa mga BPATs

Ipinamahagi ng Titay Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Major Sonny Joe M Amponin, Chief of Police, katuwang ang Pamahalaang Lokal ng Titay, ang pamamahagi ng mga kagamitang pangkaligtasan at operasyonal sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) ng bayan ng Titay, Zamboanga Sibugay nito lamang ika 24 ng Hunyo 2025.
Ang nasabing aktibidad ay ginanap sa himpilan ng pulisya ng Titay kung saan ipinamahagi sa mga BPATs members ang mahahalagang gamit gaya ng vest, sumbrero, at uniporme.
Layunin ng inisyatibong ito na mapalakas ang kaligtasan, kakikitaan, at kahandaan ng mga BPATs members sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang mga katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kani-kanilang mga barangay.
Ang nasabing hakbang ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng Titay PNP at LGU Titay sa pagsusulong ng mas ligtas at mas maayos na pamayanan sa pamamagitan ng kolektibo at maagap na pagkilos.

