Mga manggagawa sa kalinisan, pinarangalan sa Baras Clean-up Support Program
Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Lokal ng Baras, Rizal ang mahalagang ambag ng mga Solid Waste Workers at Street Sweepers sa pamamagitan ng isang programa na isinagawa nitong Hunyo 25, 2025 sa Baras Rural Health Unit Annex, Southville, Barangay Pinugay, Baras, Rizal.
Pinangunahan ni Hon. Mayor Wilfredo C. Robles ang nasabing aktibidad kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga kinatawan mula sa Rizal Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO).
Namahagi sila ng mga kagamitan tulad ng bota, kapote, walis, dust pan, at iba pang gamit sa paglilinis bilang suporta sa mas ligtas at maayos na pagtupad ng mga manggagawa sa kanilang tungkulin.
Nakiisa rin sa aktibidad si Police Colonel Felipe B. Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, bilang suporta sa adbokasiya ng lokal na pamahalaan ukol sa kalinisan at pangangalaga sa kapaligiran.
Ang aktibidad ay patunay ng pagkakaisa ng iba’t ibang sektor lokal na pamahalaan, pulisya, at mga ahensya para sa kapakanan ng mga taong araw-araw na naglilingkod para mapanatiling malinis at ligtas ang komunidad ng Baras.
Source: Rizal PPO