Technological Equipment, ipinamahagi sa Palawan PPO
Malugod na tinanggap ng Palawan Police Provincial Office ang computer desktop na may printer at folding Tables na ginanap sa Muti-Purpose Hall, Camp Higinio A Mendoza Sr., Barangay Tiniguiban, Puerto Princesa City, Palawan, nito lamang ika-26 ng Hunyo 2025.
Ang mga naturang donasyon ay mula sa Armed Forces and Police Savings and Loan Association Inc. (AFPSLAI) na tinanggap ng mga tauhan ng Palawan PPO sa pangunguna ni Police Colonel Joel D Casupanan, Provincial Director, kasama si PLtCol June R Rian, Deputy Provincial Director for Administration.
Layunin ng simpleng turn-over ng mga donasyon na mapalakas ang kakayahan ng pulisya sa pagsugpo ng krimen at pagpapabilis ng kanilang operasyon gamit ang makabagong teknolohiya.
Source: Palawan PPO