2nd Quarter Joint Meeting para sa CY 2025, isinagawa sa lalawigan ng Leyte
Nagkaiisa ang iba’t ibang lokal na ahensya ng pamahalaan sa lalawiga ng Leyte sa isinagawang 2nd Quarter Joint Meeting para sa Calendar Year 2025 na ginanap sa New Provincial Capitol, Palo, Leyte nito lamang Hunyo 17, 2025.
Ang naturang pagpupulong ay pinangunahan ni Sandy Javier, Bise Gobernador ng Leyte at Chairperson ng nasabing mga konseho kasama si Police Colonel Dionisio DC Apas Jr., Provincial Director ng Leyte Police Provincial Office at mga kawani ng ibang ahensya.

Tinalakay sa aktibidad ang kasalukuyang estado ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC), at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).
Samantala, pinresenta rin sa nasabing meeting ang anti-criminality accomplishments ng kapulisan sa lalawigan na muling nagpapatibay sa pangako ng PNP na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan, paigtingin ang mga operasyon laban sa iligal na droga, at suportahan ang pagtutulungan ng mga ahensya tungo sa mas ligtas at mas matatag na lalawigan.