BASCA Presidents at VAWC Desk Officers ng Alaminos, sumailalim sa Orientation on ReSPPEC

0
viber_image_2025-06-28_11-35-14-384

Sumailalim ang mga Barangay Association of Senior Citizens Affairs (BASCA) Presidents at Violence Against Women and their Children (VAWC) Desk Officers ng bawat barangay ng lungsod ng Alaminos sa isinagawang Orientation on Reporting System and Prevention Program for Elderly Abuse Cases (ReSPPEC) at Counselling Services for Rehabilitation of Perpetrators of Domestic Violence (CSRRDV) nito lamang Biyernes, Hunyo 27, 2025 sa CSWD Conference ng Lunsod.

Ginanap ang naturang seminar upang mas mapalawak ang kanilang kaalaman sa tamang proseso at pagharap sa iba’t ibang klase ng reklamo at maayos din nilang matutulungan ang mga senior citizens, mga kababaihan, at buong barangay.

Malaking tulong ang ganitong mga refresher programs upang ang serbisyo ng mga nakatalagang organisayon sa bawat barangay ay mas mapabilis at mapabuti.

Source: LGU Alaminos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *