BPAT’s Skills Enhancement Training, isinagawa sa Tabaco City

Nagsagawa ng Skills Enhancement Training ang mga tauhan ng Tabaco City Police Station sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa pangunguna ni Punong Barangay Elpidio G Cao at mga miyembro ng Barangay at Force Multipliers ng Barangay Basagan, Tabaco City nito lamang ika-27 ng Hunyo dakong alas 9:00 ng umaga.

Sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL EDMUNDO A CERILLO JR, hepe ng Tabaco PNP, ang mga tauhan ng nasabing istasyon ay nagtalakay ng iba’t ibang mga paksa gaya na lamang ng RA 9262, Katarungang Pambarangay at iba pa.

Kabilang din sa kanilang itinuro ang pagsasanay sa tamang pagamit ng baton, pag-aresto at kung paano maging isang First Responder kung sakaling magkaroon ng responde sa kanilang nasasakupan.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong makatulong at magbigay ng kasanayan sa mga miyembro ng Force Multipliers upang magkaroon sila ng kaalaman na kapaki-pakinabang sa kanilang tungkulin at upang mas mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng komunidad.

Source: Tabaco City Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *