Information Dissemination Campaign, isinagawa sa Salcedo National High School

Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral ng Salcedo National High School sa isinagawang Information Dissemination Campaign ng mga kapulisan sa Barangay 12, Poblacion, Salcedo, Eastern Samar nito lamang Hunyo 27, 2025.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Salcedo Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Julio M Quilbio, Officer-In-Charge katuwang ang mga guro ng nasabing paaralan.

Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang hinggil sa Anti-Bullying Act of 2013 na opisyal na kilala bilang Republic Act No. 10627.

Ang aktibidad ay naglalayong turuan ang mga mag-aaral tungkol sa mga batas laban sa anumang uri ng bullying, at upang bigyan sila ng nararapat na kaalaman na mag-ulat sa mga awtoridad sakaling mag mangyaring mga insidente.

Bukod pa riyan, layunin din ng aktibidad na lumikha ng isang mas ligtas at mas nagkakaisang kapaligiran para sa lahat ng mga mag-aaral upang magbibigay-daan para sa mas makabuluhang pag-aaral kung saan hindi hinahayaan at kinukunsinti ang anumang uri ng bullying.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *