KKDAT, aktibong nakiisa sa Bloodletting Activity

Aktibong nakiisa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang bloodletting activity na ginanap sa SM City Tuguegarao noong Hunyo 28, 2025.

Ang aktibidad ay isang inisyatiba ng Cagayano Cops, katuwang ang Cagayan Valley Medical Center (CVMC) at SM City Tuguegarao na may temang: “Dugong Magiting, Mag-donate ng Dugo, Magligtas ng Buhay.”

Kabilang sa mga lumahok sa aktibidad ang mga Cagayano Cops, Provincial Health Unit (PHU), mga kawani ng kalusugan, kinatawan mula sa pribadong sektor, KKDAT members, Advocacy Support Group, at mga boluntaryong donor mula sa komunidad.

Layunin ng programa na palaganapin ang kultura ng boluntaryong pagbibigay ng dugo at matiyak ang sapat na suplay para sa mga pasyenteng nangangailangan sa lalawigan.

Sa kabuuan, 101 blood bags ang matagumpay na nakolekta, katumbas ng 45,450 cc ng dugo — isang patunay ng matagumpay na pagtutulungan para sa serbisyong makatao ng kapulisan at kanilang mga katuwang.

Ang aktibidad na ito ay nagpapakita ng matibay na ugnayan at kooperasyon ng pamahalaan, sektor ng kalusugan, at pribadong sektor para sa kapakanan ng mamamayan.

Source: Cagayan Police Provincial Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *