Mahigit 1,000 Bayambangueño, tumanggap ng TUPAD Payout

Mahigit 1,000 benepisyaryo ng programang Tulong Panghanap-buhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ang tumanggap ng kanilang sweldo sa isinagawang payout activity noong Hunyo 26, 2025, sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.

Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng halagang Php4,680, katumbas ng sampung araw na trabaho sa kani-kanilang barangay. Kabilang sa mga tumanggap ng ayuda ay mga magulang ng malnourished children, indigent psychiatric at hemodialysis patients, pati na rin ang mga teenage parents.

Layunin ng programang TUPAD na magbigay ng pansamantalang hanapbuhay sa mga kababayan nating lubos na nangangailangan, lalo na ang mga nasa marginalized sectors.

Ang payout ay naisakatuparan sa tulong ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang, sa pakikipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment (DOLE) at sa opisina ni Congresswoman Rachel “Baby” Arenas.
Nanguna sa implementasyon ng aktibidad ang Public Employment Service Office (PESO) ng Bayambang, katuwang ang iba pang lokal na ahensiya.

Sa gitna ng kahirapan at kawalang hanapbuhay, patuloy ang paghahatid ng TUPAD ng pag-asa at pansamantalang kabuhayan sa mga Bayambangueño.

Source: Balon Bayambang

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *