PNP Angadanan, nakiisa sa Youth Leadership Lecture kontra droga at terorismo

Aktibong nakiisa ang Angadanan Police Station sa isinagawang youth leadership lecture na may temang “Ang Papel ng Matatag na Pamumuno sa Pagtugon sa Terorismo at Ipinagbabawal na Droga” sa Fugaru Community Center nito lamang ika-26 ng Hunyo 2025.

Nakiisa sa nasabing aktibidad ang mga personnel ng nasabing istasyon, maging ang mga opisyal ng Supreme Secondary Learner Government at mga classroom officers mula sa mga paaralan sa Fugaru Region.

Ang aktibidad ay inorganisa ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Fugaru bilang bahagi ng kanilang adbokasiya na paigtingin ang kamalayan ng kabataan sa mga isyung panlipunan.

Layunin ng lecture na ihubog ang mga kabataan bilang responsableng lider, at palakasin ang kanilang pakikilahok sa mga gawaing pangkapayapaan at pangkaunlaran.

Sa pamamagitan ng ganitong inisyatiba, inaasahan ang mas matibay na ugnayan sa pagitan ng kabataan, pamahalaan, at PNP tungo sa isang ligtas at progresibong pamayanan.

Source: Angadanan PNP

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *