Tree Planting Activity, isinagawa sa Aborlan, Palawan

Matagumpay na isinagawa ang Tree Planting Activity kaugnay sa pagdiriwang ng Arbor Day at Rakudan Festival 2025 na ginanap sa Sitio Tagbariri, Barangay Ramon Magsaysay Aborlan, Palawan nito lamang ika-27 ng Hunyo 2025.

Naisakatuparan ang aktibidad sa pagtutulungan ng mga tauhan ng Aborlan Municipal Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Marvin L. Estigoy, Acting Chief of Police, kasama si Mr Godofredo S Ferriol Jr, Head MENRO, Philippine Coastguard, Local Government Unit staffs, Barangay Officials of Ramon Magsaysay at iba pang aktibong organisasyon.

Ang naturang aktibidad na ito ay naaayon sa core value ng PNP na “Makakalikasan” na naglalayong tugunan ang deforestation, pagguho ng lupa, at pagbabago ng klima, habang nagpapatibay ng mas matibay na ugnayan sa pagitan ng pulisya at ng publiko.

Source: Aborlan MPS Pcr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *