Awareness Symposium, isinagawa sa Sto. Domingo, Albay
Matagumpay na isinagawa ang isang Awareness Lecture ukol sa Juvenile Delinquency sa San Isidro Elementary School, sa Barangay San Isidro, Sto. Domingo, Albay, nito lamang ika-28 Hunyo 2025.
Ang aktibidad ay isinakatuparan sa pangunguna ni PCpl Arlene S. Balean, Assistant PNCO ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Sto. Domingo Municipal Police Station, sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PCpt Jereck D. Banaynal, Officer-in-Charge ng nasabing himpilan.
Kaagapay ng PNP sa makabuluhang programang ito ang pamunuan ng Barangay San Isidro sa pangunguna ni Hon. Danilo Ballester, Barangay Captain.
Naging pangunahing tagapagsalita si Kapitan Ballester na nagbigay ng malalim na talakayan ukol sa mga sanhi, epekto, at mga konkretong hakbang upang maiwasan ang pagkakasangkot ng mga kabataan sa kriminalidad.
Layunin ng aktibidad na ito na itaas ang antas ng kamalayan ng komunidad hinggil sa mga isyung kinakaharap ng kabataan, partikular na sa larangan ng juvenile delinquency.
Bukod pa riyan, pinapalakas din nito ang pakikilahok ng mga magulang, guro, at iba pang miyembro ng pamayanan sa pagtutulungan upang mapangalagaan ang karapatan, kapakanan, at kinabukasan ng mga kabataan.
Ang ganitong mga hakbang ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PNP at pamahalaang barangay upang mapanatili ang isang ligtas, mapayapa, at maunlad na komunidad para sa lahat—lalo na para sa mga kabataan na siyang kinabukasan ng bayan.
Source: Stodomingo Mps AlbayPPO