Barangay Assembly Meeting, isinagawa sa Maguindanao del Sur

Matagumpay na naisagawa ang Barangay Assembly Meeting sa mga Barangay ng Damawato, Sepaka, Palao at Datu Paglas, Maguindanao del Sur nito lamang ika-28 ng Hunyo 2025.
Ang naturang pagpupulong ay dinaluhan din ng mga kinatawan mula sa Local Government Unit (LGU), Bureau of Fire Protection (BFP), Datu Paglas Municipal Police Station at mga residente ng nasabing mga barangay.
Layunin ng pagpupulong na palakasin ang ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng kapulisan, pamahalaang lokal, at komunidad.
Nagsilbi rin itong plataporma upang talakayin at tugunan ang mga isyu at alalahanin kaugnay ng kapayapaan at kaayusan sa mga barangay.
Ipinapakita ng ganitong aktibidad ang patuloy na pangako ng PNP sa pakikipag-ugnayan sa komunidad, pagiging bukas sa publiko, at aktibong pakikilahok sa lokal na pamahalaan at kaligtasan ng publiko.
