BPAT’s Skills Enhancement Training, tuloy-tuloy na isinagawa sa Tabaco City

Tuloy-tuloy pa ring isinagawa ang Skills Enhancement Training ng mga tauhan ng Tabaco City Police Station sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa pangunguna ni Punong Barangay Ely Bongalon Bobiles Jr. at mga miyembro ng Barangay at Force Multipliers ng Barangay San Roque sa Tabaco City nito lamang ika-26 ng Hunyo taong kasalukukuyan sa ganap na ika-9:00 ng umaga.
Ang naturang training ay pinagunahan ni PLT WILGEA IDLISAN, PCR Officer sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL EDMUNDO A CERILLO JR, hepe ng Tabaco PNP.

Kabilang sa mga tinalakay ang mga paksa tungkol sa RA 9262, Katarungang Pambarangay at iba pang mga importanteng usapin sa komunidad. Nagbigay din ang grupo ng pagsasanay sa tamang pagamit ng baton, pag-aresto at kung paano maging isang First Responder kung sakaling magkaroon ng responde sa kanilang nasasakupan.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong makatulong at magbigay ng kasanayan sa mga miyembro ng Force Multipliers upang magkaroon sila ng kaalaman na kapaki-pakinabang sa kanilang tungkulin at upang mas mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng komunidad.
Source: Tabaco City Police Station