“Head & Shoulders” wellness activity, isinagawa sa Puerto Princesa City, Palawan

Matagumpay na isinagawa ang “Head & Shoulders” wellness activity na ginanap sa Palawan Multi-Purpose Hall, Barangay Tiniguiban, Puerto Princesa City, Palawan, nito lamang ika-27 ng Hunyo 2025.
Ang naturang aktibidad ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng Armed Forced at Police Savings & Loan Association, Inc. (AFPSLAI) Palawan Branch, sa pangunguna ni Mary Shendylen A. Aquino, Branch Head, at Palawan Police Provincial Office, sa pamumuno ni Police Colonel Joel D Casupanan, Provincial Director.
Naghandog ang aktibidad ng libreng head and shoulder massage, haircut, manicure, at pedicure na nagbibigay ng relaxation at grooming services bilang isang pamamaraan ng morale-boosting at wellness support sa PNP at NUP personnel.
Nagkaroon din ng maikling forum tungkol sa mental health na isinagawa naman ni Ms. Hannah Joy Lubaton, RN, at mahigit 150 tauhan ang nakinabang sa nasabing aktibidad.
Layunin ng aktibidad na bigyang halaga ang pagpapanatili hindi lamang ng physical well-being kundi maging ang mental at emotional health ng mga tauhan ng Palawan Police Provincial Office.
Source: Palawan PPO