Public Safety Officers Skills Enhancement Training, matagumpay na isinagawa sa Bayan ng Calayan

0
viber_image_2025-06-30_16-44-08-376

Matagumpay na naisagawa ang Skills Enhancement Training para sa lahat ng Barangay Public Safety Officers (BPSO) sa iba’t ibang barangay sa Bayan ng Calayan, Cagayan nito lamang ika-29 ng Hunyo 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Calayan Police Station, sa ilalim ng pamumuno ni PCpt Jessie P. Alonzo, kasama ang Lokal na Pamahalaan ng Calayan sa liderato ni Hon. Mayor Joseph Llopis at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pamumuno ni G. Arvin Esoen, MLGOO.

Tinalakay sa training ang kahalagahan ng isang BPSO, Gender-sensitive at child-friendly approaches; mga estratehiyang angkop sa Indigenous Peoples (IP), First responder roles, pangunahing kaalaman sa patrol operations, traffic assistance, at tamang proseso ng arrest, search, and seizure; at gampanin ng BPSO sa kampanya kontra ilegal na droga at kriminalidad.

Isinagawa rin ang mga simulated learning exercises tulad ng handcuffing techniques at basic defense tactics upang masigurong may sapat na kakayahan ang mga BPSO sa aktwal na pagsugpo sa krimen at pagtugon sa insidente.

Ang programa ay naglalayong mapalalim ang kaalaman at mapahusay ang kasanayan ng mga BPSO upang higit silang maging epektibong katuwang ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan, kapayapaan, at kaligtasan sa kani-kanilang komunidad.

Source: Calayan PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *