Kabataang Estudyante, Bida sa OPLAN BES Lecture ng Tanza PNP

0
viber_image_2025-07-01_12-04-00-288

Sa ilalim ng kampanyang OPLAN BALIK ESKWELA (BES), isinagawa ng Tanza Municipal Police Station ang isang makabuluhang dayalogo para sa mga mag-aaral ng Grade 8 ng Punta National High School, Brgy. Punta I, Tanza, Cavite nito lamang Lunes, ika-30 ng Hunyo 2025.

Pinangunahan ang aktibidad ni PCpl Sherilyn Se, PCADS PNCO, sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLtCol Al-Rieza S. Kinang, Acting Chief of Police, kasama ang mga mag-aaral ng nasabing paaralan.

Tinalakay ang mga paksang Safety Tips para sa Balik Eskwela, Crime Prevention, RA 11313 (Safe Spaces Act), at Anti-Bullying Law.

Bida sa aktibidad ang mga mag-aaral na aktibong nakilahok sa talakayan, nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan, at nagpamalas ng interes na matutunan ang kanilang mga karapatan at ang mga paraan upang maprotektahan ang kanilang mga sarili.

Layunin ng nasabing programa na palakasin ang kaalaman at kamalayan ng kabataan tungo sa isang ligtas at responsableng pamumuhay.

Ang aktibidad ay patunay ng pagtutulungan ng kapulisan at paaralan sa pagbibigay-halaga sa kabataan bilang mahalagang bahagi ng komunidad.

Source: Tanza MPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *