Mobile Patrolling at Dayalogo sa mga BPATs sa Barangay Ilocano, Sudipen, La Union

0
viber_image_2025-07-02_11-13-42-330

Nagsagawa ng mobile patrolling ang mga tauhan ng kapulisan sa Barangay Ilocano, Sudipen, La Union, katuwang ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), bilang bahagi ng patuloy na kampanya kontra kriminalidad noong Hulyo 1, 2025.

Nakipag-dayalogo ang kapulisan sa mga duty BPATs upang palakasin ang koordinasyon at pagtutulungan sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa lugar.

Paalala nila ang mga mahahalagang safety at security measures, partikular na ang kahalagahan ng maagap na aksyon at maayos na ugnayan ng mga barangay force multipliers sa mga insidente o banta ng kriminalidad.

Hinikayat din ng PNP ang BPATs na patuloy na suportahan ang mga programa ng kapulisan laban sa kriminalidad, at maging aktibong katuwang sa mga isinasagawang operasyon sa komunidad.

Ang aktibidad na ito ay nagpapakita ng matibay na kooperasyon sa pagitan ng kapulisan at komunidad upang matiyak ang katahimikan at seguridad sa bawat barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *