Seminar kontra ipinagbabawal na gamot, isinagawa sa Tagaytay City
Bilang bahagi ng paggunita sa International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT), nagsagawa ng Seminar ang mga tauhan ng Tagaytay Component City Police Station sa pangunguna ni PLtCol Jefferson P. Ison, Officer-in-Charge, nitong ika-1 ng Hulyo, 2025 sa Barangay Silang Crossing West, Tagaytay City.
Bida sa nasabing aktibidad ang mga aktibong residente ng barangay na lumahok sa talakayan, nagbahagi ng kanilang mga karanasan at pananaw ukol sa isyu ng ilegal na droga at kriminalidad.
Tinalakay sa seminar ang mga hakbang ng PNP sa kampanya laban sa ilegal na droga at anti-criminality programs, kung saan binigyang-diin ang mahalagang papel ng mamamayan sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang lugar.
Ang pagtanggap at pakikiisa ng mga residente ay malinaw na patunay ng kanilang malasakit at dedikasyon sa isang ligtas, maayos, at drug-free na komunidad.
Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na layunin ng kapulisan na mapalalim ang ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng PNP at mamamayan para sa kapayapaan at kaunlaran ng Tagaytay City.
Source: Tagaytay CCPS