Rotary Club Projects, inilunsad sa Sabangan Elementary School, Dagupan City

0
viber_image_2025-07-03_15-30-30-623

Inilunsad ng Rotary Club ang isang makabuluhang programa na pinamagatang “Rotary Club Projects 2025-2026” nito lamang Lunes, Hulyo 1, 2025 sa Sabangan Elementary School sa lungsod ng Dagupan.

Katuwang ng grupo ang pamahalaan ng Dagupan City kung saan ito ay may temang, “Unite for Good.”

Ang mga proyektong inilunsad ay sumasaklaw sa pitong ‘focus areas’ kabilang ang Water Sanitation and Hygiene; Basic Education and Literacy; Environment; Maternal and Child Health; Disease Prevention and Treatment; Peacebuilding and Conflict Prevention Lecture on Anti-bullying (AVP); at Community Economic Development Manicure Training with 10 Starter Pack.

Samantala, nasa kabuuang 437 benepisyaryong mga mag-aaral at guro sa Bonuan Sabangan ang natulungan ng nasabing grupo.

Kabilang sa mga ipinamahaging tulong ay hygiene kits, school supplies, punong-kahoy, eye glasses, bitamina, payong, tsinelas, at pagsasanay sa manicure na may starter pack. Isinagawa rin ang anti-bullying lecture para sa mga mag-aaral.

Pinangunahan ang programa ng mga opisyal mula sa iba’t ibang Rotary Clubs sa lungsod kasama ang ibang katuwang na organisasyon at pribadong sektor.

Ang kabuuang layunin ng aktibidad na ito ay maghatid ng pag-asa, suporta, at pangmatagalang solusyon sa mga pangunahing suliranin ng kabataan at mga pamilya sa komunidad. Isang patunay na sa pagkakaisa at boluntaryong serbisyo, maaaring makamit ang mas makabuluhang pagbabago sa lipunan.

Source: Dagupan City Government

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *