Barangay Peacekeeping Operation Seminar at Workshop, isinagawa sa Cagayan
Matagumpay na naisagawa ang Barangay Peacekeeping Operation Seminar at Workshop sa bayan ng Lal-lo, Cagayan nitong Huwebes, ika-3 ng Hulyo, 2025.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga aktibong miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams ng iba’t ibang barangay sa nasabing bayan.
Tinalakay sa seminar ang mga tungkulin ng bawat miyembro ng BPATs at iba pang mga mahahalagang paksa tulad ng Human Rights, Violence Against Women and Children (VAWC), Basic Life Support, at First Aid.

Naging sentro din ng workshop ang pagsasanay sa pag-aresto na pinangunahan ng Lal-lo PNP.
Layunin ng aktibidad na sanayin ang mga miyembro ng BPATs at mabigyan sila ng mga dagdag kaalaman na kanilang kakailanganin sa pagganap ng kanilang tungkulin.
Source: Lal-lo Police Station