Bloodletting Activity, isinagawa sa So. Española, Palawan
Matagumpay na isinagawa ang isang Bloodletting Activity na may temang “DUGO MO, BUHAY KO,” na ginanap sa Brgy. Pulot Center, Sofronio Española, Palawan nito lamang ika-2 ng Hulyo 2025.
Naisakatuparan ang aktibidad sa pagtutulungan ng LGU Sofronio Española at Philippine Red Cross. Nakilahok din ang mga tauhan ng 1st Palawan PMFC sa pangunguna ni PCpl Grace G. Dapat.
Layunin nitong itaas ang kamalayan sa kahalagahan ng regular na donasyon ng dugo at ang hindi natitinag na pangako ng PNP sa serbisyo publiko na higit sa pangunahing mandato nito sa pagpapatupad ng batas.
Source: 1st Palawan PMFC