BPATs Training, isinakatuparan sa Barangay Quinastillojan, Tabaco City
Nagsagawa ng Skills Enhancement Training ang mga tauhan ng Tabaco City Police Station sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa pangunguna ni Punong Barangay Josefa B Cestina at mga miyembro ng Barangay at Force Multipliers ng Barangay Quinastillojan sa Tabaco City nito lamang ika-30 ng Hunyo taong kasalukukuyan sa ganap na ika-1:00 ng hapon.
Pinangunahan ni PLT JULIUS LIQUE, Patrol PCO sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL EDMUNDO A CERILLO JR, hepe ng Tabaco City PNP kasama si Pastor Rogelio Maceres, FaithBased/ CommunityAdviser.
Kabilang sa mga tinalakay na mga paksa ang patungkol sa RA 9262, Katarungang Pambarangay at iba pa.
Nagbigay din ng pagsasanay sa tamang pagamit ng baton, pag-aresro at kung paano maging isang First Responder kung sakaling magkaroon ng responde sa kanilang nasasakupan.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong makatulong at magbigay ng kasanayan sa mga miyembro ng Force Multipliers upang magkaroon sila ng kaalaman na kapaki-pakinabang sa kanilang tungkulin at upang mas mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng komunidad.
Source: Tabaco City Police Station