Mga taga-Bohol, nagkaisa sa selebrasyon ng National Disaster Resilience Month

0
viber_image_2025-07-04_12-59-12-802

Nagkaisa sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month ang mga taga-Bohol nitong July 2, 2025 na ginanap sa CPG Multipurpose Center sa Poblacion, Talibon, Bohol.

Bilang pakikiisa, nagsagawa ng isang One-Day Hands-Only CPR Training ang mga tauhan ng Talibon Police Station, katuwang ang BFP, PCG, DepEd, iba pang ahensya ng pamahalaan, at mga kinatawan mula sa pribadong sektor.

Ang naturang pagsasanay ay may temang: “Every day counts, act for resilience today.” Layunin nitong palakasin ang kakayahan ng mga first responders at mamamayan sa tamang pagtugon sa mga sitwasyong pang-emergency, partikular na sa pagbibigay ng Hands-Only Cardiopulmonary Resuscitation (CPR).

Sa pamamagitan ng programang ito, naipapaabot sa publiko ang kahalagahan ng pagiging handa at maagap sa panahon ng sakuna.

Ang aktibidad ay matagumpay na naisakatuparan sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sa pakikipagtulungan ng Don Emilio del Valle Memorial Hospital, Talibon Municipal Health Center, at Garcia Memorial Provincial Hospital (GMPH).

Ang pagsasanay na ito ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan, katuwang ang mga uniformed personnel at health institutions, upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *