Monthly Meeting ng Liga ng mga Barangay, isinagawa sa Catarman, Northern Samar

0
viber_image_2025-07-04_16-35-50-102

Matagumpay na isinagawa ng mga kasapi ng Liga ng mga Barangay ang kanilang Monthly Meeting sa Barangay Acacia, Catarman, Northern Samar nito lamang Hulyo 2, 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Beatriz N. Amande, Liga President kasama ang mga tauhan ng Catarman Municipal Police Station at mga Barangay Officials ng nasabing lungsod.

Nagkaroon ng talakayan patungkol sa update at status ng Barangay Drug Clearing Program, kahalagahan ng pagsugpo sa ilegal na droga at insurhensya sa kanilang nasasakupan.

Ang pagpupulong ay nagsilbing lugar para sa pagpapalakas ng pagtutulungan ng PNP at ng mga pinuno ng barangay sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan, kaligtasan ng publiko, at mga hakbangin sa pagpapaunlad ng komunidad sa Catarman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *