KKDAT Lecture, idinaos
Idinaos ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Lecture sa Barangay Luvimin, Kidapawan City nito lamang ika-7 ng Hulyo 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga miyembro ng Kidapawan Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) katuwang ang Kidapawan City Police Station na boluntaryong nakiisa sa nasabing aktibidad.
Humingi’t kumulang 100 kabataaan ang dumalo sa nasabing aktibidad.
Layunin nito na hubugin ang kabataan bilang responsableng mamamayan at magbigay-kaalaman ang kabataan ukol sa masasamang epekto ng iligal na droga at terorismo sa kanilang sarili, pamilya, at komunidad.
Upang maging katuwang ang ating kabataan sa pagpapanatili ng isang ligtas at mapayapang komunidad.