Barangay officials at tanods, kaagapay ng Tanza MPS kontra kriminalidad

0
viber_image_2025-07-10_13-24-10-433

Tampok sa isinagawang dayalogo sa Barangay Bagtas, Tanza, Cavite nitong ika-09 ng Hulyo 2025 ang aktibong partisipasyon ng mga Barangay Officials at Tanod na patuloy na nagsisilbing unang linya ng depensa ng komunidad laban sa krimen.

Pinangunahan ng Tanza Municipal Police Station (MPS), sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Al-Rieza S. Kinang, Acting Chief of Police, ang aktibidad bilang bahagi ng kanilang regular na barangay visitation program. Layunin ng inisyatiba na mas mapalapit ang serbisyo ng kapulisan sa mga mamamayan, at higit sa lahat, kilalanin ang mahalagang papel ng mga opisyal ng barangay at tanod sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Binigyang-diin ang mga konkretong hakbang sa crime prevention tulad ng mas pinaigting na barangay patrol, pag-uulat ng kahina-hinalang aktibidad, at pagbabantay sa mga kabataan. Namahagi rin ang kapulisan ng mga flyers na naglalaman ng impormasyon ukol sa mga hotline at mga paalala sa pag-iwas sa krimen.

Ang mga tanod at opisyal ng barangay ay kinilala sa kanilang dedikasyon at malasakit sa kapakanan ng kanilang nasasakupan. Bilang katuwang ng PNP, sila ang kaagapay sa mabilis na pagtugon sa mga insidente at pagbibigay proteksyon sa kanilang mga komunidad.

Ayon sa Tanza MPS, ang aktibidad ay patunay ng matatag na ugnayan ng kapulisan at lokal na pamahalaan, kung saan ang bawat tanod at barangay official ay tunay na “bida sa kaligtasan.”

Source: Tanza MPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *