Kampanya kontra droga, tinalakay sa Barangay Assembly

Tumutok sa pagpapalakas ng kampanya kontra droga at mga hakbangin para sa kaligtasan ng komunidad na pinangunahan ng Barangay Captain na si Hon. Delfin S. Dela Torre, kasama si Police Captain Manuel D Aspellaga, Acting Chief of Police ng San Isidro Municipal Police Station.

Isa sa mga pangunahing tinalakay ay ang pagtutok sa mga kabataan bilang target na sektor sa kampanya kontra droga.

Pinag-usapan din ang mga precautionary measures na kailangang sundin ng bawat isa upang maiwasan ang mga ilegal na aktibidad.

Sa pagtatapos ng assembly, muling ipinagdiinan ng mga opisyal ang pangangailangan ng pagtutulungan at pagkakaisang bawat isa sa komunidad upang magtagumpay ang kampanya kontra droga.

Ang aktibidad ay nagbigay daan sa isang mas malalim na pag-unawa at malasakit sa kaligtasan at kapakanan ng bawat residente, pati na rin sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay sa bayan ng San Isidro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *