Force Multipliers at Barangay Officials, katuwang sa pagtugon sa kalamidad at pagpapanatili ng kaligtasan sa Lubao, Pampanga
Sa gitna ng patuloy na banta ng pagbaha na dulot ng Bagyong Dante at Habagat, nakiisa ang mga Force Multipliers at mga Barangay Officials sa isang sandbagging operation sa paligid ng Sta. Rita Dam, Lubao, Pampanga nito lamang ika-23 ng Hulyo, 2025.
Ang operasyon ay dinaluhan din ng mga tauhan ng Lubao Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Dederick Relativo, katuwang ang National Irrigation Administration (NIA), DPWH 2nd District Engineering Office, Local Government Unit ng Lubao, Bureau of Fire Protection (BFP) Lubao, mga kasapi ng Irrigators Association, iba’t ibang non-government organizations (NGOs), at mga residente mula sa mga apektadong lugar.
Tampok sa operasyon ang mahalagang papel na ginampanan ng mga force multipliers — kabilang ang barangay tanod, volunteers, at civic groups — na nagsilbing dagdag-lakas ng ating kapulisan sa pagpapatupad ng disaster preparedness at community resilience.
Hindi alintana ang putik, ulan, at pagod, nagtulungan ang bawat sektor upang tiyakin ang kaligtasan ng mga residente, lalo na sa mga mabababang lugar na may mataas na panganib sa pagbaha.
Ang sandbagging ay isinagawa bilang pre-emptive measure upang maprotektahan ang mga kabahayan, imprastruktura, at sakahan mula sa pag-apaw ng tubig.
Ito ay patunay ng mas malakas na ugnayan at pagtutulungan ng mga kapulisan at ng iba’t ibang grupo sa komunidad na handang maglilingkod lalo na sa panahon ng mga sakuna.

