Parada para sa West Philippine Sea, isinagawa sa Palawan
Bilang pagdiriwang sa ika-9 taong anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa United Nations Arbitral Tribunal na nagdeklara sa West Philippine Sea na lehitimo itong sakop ng Pilipinas, ginugunita ng lokal na pamahalaan ng Kalayaan ang ika-dalawang taon ng West Philippinee Sea Victory Day, ngayong Hulyo 12, 2025 sa Brgy San Miguel Puerto Princesa City.
Maaga pa lang ay nagkaroon ng motorcade, Fun Bike, at parada na nagsimula sa Brgy. Hall San Miguel tungo sa VJR Hall ng Kapitolyo, kung saan isang maikling programa ang isinagawa.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Kalayaan Municipal Government, katuwang ang Western Command (WESCOM), katuwang ang ibat ibang ahensya ng gobyerno kasama ang PNP at AFP para sa ikalawang West Philippine Sea Victory Day bilang paggunita sa ika-9 anibersaryo ng desisyon ng United Nations Arbitral Tribunal na kumikilala sa soberanya ng Pilipinas sa lugar at nagbasura sa nine-dash line claim ng China.
Kasama sa programa ang motorcade at fun bike mula WESCOM at parada mula Barangay Hall ng San Miguel patungong Provincial Convention Center kung saan gagawin ang programa.
Ito ay pagpapakita na ang West Philippine Sea ay tunay na pagmamay-ari ng bansang Pilipinas.