BPAT ng Centro 12, katuwang ng pulisya sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa Tuguegarao
Muling pinatunayan ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng Barangay Centro 12 ang kanilang kahalagahan bilang katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng komunidad sa isinagawang road clearing operation, police visibility, at foot patrol noong ika- 12 ng Hulyo 2025.
Pinangunahan ng mga tauhan ng Tuguegarao Component City Police Station, Cagayan Police Provincial Office sa pamumuno ni PEMS Eulalio Tuliao Jr., katuwang si Hon. Leonides Bautista, Barangay Captain ng Centro 12, ang operasyon bilang bahagi ng patuloy na kampanya kontra kriminalidad at pagsiguro sa maayos na daloy ng trapiko sa lungsod.
Aktibong pakikibahagi ng BPAT ang nagsilbing katuwang sa pagbabantay sa mga lansangan, pagtutok sa road obstructions, at pagbibigay ayuda sa mga residente at motorista. Ang presensiya nila ay naging mahalaga sa mabilis na pagkilos at pagbibigay impormasyon sa mga lugar na kailangang tutukan.
Ang kooperasyon ng BPAT ay patunay ng epektibong ugnayan ng pulisya at barangay sa ilalim ng Police Community Relations Program.Sa Bagong Pilipinas, ang ganitong mga hakbang ay patunay na sa tulong ng BPAT at ng mamamayan, mas ligtas, disiplinado, at maayos ang mga pamayanan.
Sa Bagong Pilipinas, ang ganitong mga hakbang ay patunay na sa tulong ng BPAT at ng mamamayan, mas ligtas, disiplinado, at maayos ang mga pamayanan.