BPSO at Barangay Officials, nakilahok sa talakayan ng Bulacan PNP
Aktibong nakilahok ang mga Opisyales at Barangay Public Safety Officer sa isinagawang Katarungang Pambarangay Lecture ng Sta. Maria Municipal Station sa Brgy. Sta. Clara, Sta. Maria Bulacan nito lamang Lunes ika-14 ng Hulyo 2025.
Pinangunahan ito ni Police Captain Caezar A. Miranda, Operation/MCAD PCO, sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Voltaire C Rivera, Hepe ng naturang istasyon.
Nagbigay kaalaman ang kapulisan sa mga papel ng mga Lupon ng Tagapamayapa sa pagpapalaganap ng hustisya sa antas-barangay at tamang pamamaraan ng paghawak ng reklamo o hindi pagkakaunawaan upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon.
Layunin ng aktibidad na ito na palalimin ang kaalaman ng mga opisyales barangay sa Katarungang Pambarangay bilang pangunahing mekanismo sa pagresolba ng mga sigalot sa pamayanan, at higit sa lahat, upang mas mapagtibay ang ugnayan sa pagitan ng pulisya at komunidad.
Patuloy ang kampanya ng Santa Maria PNP tungo sa mapayapa at maayos na pamayanan, kung saan ang kooperasyon ng bawat mamamayan at lokal na pamahalaan ay itinuturing na susi sa tagumpay ng kapayapaan at kaayusan.