PWD Business Mentoring, Inilunsad ng PDAO sa Bayambang, Pangasinan
Inilunsad ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ang “Empowering PWD Presidents: Mentoring Program on Business Development” bilang bahagi ng ika-47 National Disability Rights Week.
Ginaganap ito mula Hulyo 16–17, 2025 sa Balon Bayambang Events Center, sa pangunguna ni Disability Officer Johnson R. Abalos. Layunin ng programa na bigyang-kaalaman ang mga PWD Presidents mula sa iba’t ibang barangay hinggil sa entrepreneurship, marketing, at legal na aspeto ng pagnenegosyo.
Dumalo sa programa sina Municipal Administrator Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, Vice Mayor Dr. Ian Camille C. Sabangan, at MSWD Officer Kimberly P. Basco. Nagsilbing tagapagsalita sina Laarni Cabatbat (DSWD-RFO1), Marc Cuario (Business Development), at Mary Grace Agas (LGU-Bayambang).
Tinalakay ang mga paksang may kinalaman sa kabuhayan, social responsibility, branding, at digital marketing. Inaasahang magiging daan ito sa mas mataas na antas ng kabuhayan at mas malawak na oportunidad para sa mga PWD sa bayan.
Patuloy namang isinusulong ng LGU-Bayambang, sa pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao, ang inklusibong pag-unlad para sa lahat ng Bayambangueño.