Pagpapalakas ng Karapatan ng Kababaihan, isinulong sa isinagawang talakayan sa San Isidro, Davao del Norte

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa karapatang pantao at proteksyon ng kababaihan at kabataan, nagsagawa ng isang makabuluhang talakayan si PMSg Wynzyn Ruth Butihen, FIGAD PNCO/Assistant PCAD, sa mga kababaihang residente ng Purok 30, Barangay Sawata, San Isidro, Davao del Norte nito lamang Hulyo 16, 2025.
Tinalakay ang mahahalagang probisyon ng RA 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act at RA 8353 o ang Anti-Rape Law of 1997.
Layunin ng nasabing lecture na palawakin ang kaalaman ng mamamayan sa mga batas na naglalayong protektahan ang kababaihan, kabataan, at buong komunidad mula sa anumang uri ng pang-aabuso o karahasan.
Ipinabatid ni PMSg Butihen, ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga legal na karapatan, at pinaalalahanan ang mga kalahok na hindi kailanman dapat isawalang-bahala ang anumang uri ng pananakit—emosyonal, pisikal, sekswal, o sikolohikal—lalo na kung ito ay nangyayari sa loob mismo ng tahanan.