PDRRMO Palawan, pinangunahan ang 6th Provincial DRRM Caravan

0
viber_image_2025-07-23_15-59-12-323

Bilang bahagi ng mga aktibidad sa selebrasyon ng National Disaster Resilience Month ngayong taon, pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang 6th Provincial Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Caravan sa Palawan ngayong araw, Hulyo 23, 2025.

Sa temang “KUMIKILOS para sa Kahandaan, Kaligtasan, at Katatagan”, tampok sa isinagawang caravan ang mga response vehicles, rescue equipment, at iba pang life-saving assets ng Pamahalaang Panlalawigan at iba’t ibang ahensyang katuwang na nakatutok sa disaster response and management.

Sinimulan ito sa bahagi ng San Manuel National Highway patungo sa New Transport Terminal sa Brgy. Irawan, Puerto Princesa City, kung saan nakiisa ang mga ahensyang kasapi ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), gayundin ang mga Municipal DRRM Offices mula sa iba’t ibang bayan at mga miyembro ng Palawan DRR Auxiliary, Inc.

Ayon kay PDRRM Officer Jeremias Y. Alili, layon ng aktibidad na paigtingin ang kamalayan ng publiko at maipakita ang kahandaan ng iba’t ibang sektor sa lalawigan sa pagtugon sa mga kalamidad, gayundin ang pagbibigay-pugay sa sakripisyo at dedikasyon ng mga emergency responders at volunteers sa lalawigan.

Source: PIO PALAWAN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *