Joint Orientation on Ecological Solid Waste Management, isinagawa sa Maguindanao del Norte
Matagumpay na isinagawa ang Joint Orientation on Ecological Solid Waste Management sa Barangay Sefegefen, Upi, Maguindanao del Norte nito lamang ika-24 ng Hulyo 2025.
Pinangunahan ng Barangay Officials ng nasabing lugar katuwang ang Upi Municipal Police Station ang naturang aktibidad na naglalayong itaas ang kamalayan ng mga mamamayan ukol sa tamang pamamahala ng basura bilang bahagi ng pangangalaga sa kalikasan at pagtitiyak ng kaayusan at kapayapaan sa barangay.
Sa pamamagitan ng patuloy na pakikipagtulungan ng kapulisan, barangay, at iba pang stakeholders, layunin ng aktibidad na paigtingin ang mga programang pangkapaligiran at pangkapayapaan para sa isang mas ligtas at malinis na pamayanan.
Patuloy ang PNP Upi sa pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan na may layuning mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at kapayapaan sa komunidad.