BPATs Training, inilunsad sa Cotabato City
Matagumpay na inilunsad ang pagsasanay para sa Barangay Peacekeeping Action Team noong Hulyo 24, 2025, sa Mother Barangay Tamontaka, Cotabato City.
Dumalo sa nasabing aktibidad ang City Interior and Local Government katuwang ang Cotabato City Police Office sa pangangasiwa ni Police Colonel Jibin M Bongcayao, City Director, at BPATs members ng nasabing lugar.
Layon ng BPATs Training na palakasin ang kakayahan ng mga miyembro nito sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang komunidad, gayundin sa pagpapalalim ng kanilang kaalaman sa mga pamamaraan ng conflict prevention at community-based response.
Ang nasabing pagsasanay ay bahagi ng patuloy na inisyatibo ng pamahalaan upang mas mapatibay ang ugnayan sa pagitan ng pulisya at ng mga barangay sa pagtataguyod ng ligtas at mapayapang pamayanan.

