Awareness Lecture, nilahukan ng mga mag-aaral ng Nambaran Elementary School

Aktibong lumahok ang mga mag-aaral sa isang makabuluhang awareness lecture na isinagawa sa Nambaran Elementary School, sa Barangay Nambaran, Tabuk City, Kalinga noong Hulyo 28, 2025.
Ang nasabing aktibidad ay inorganisa ng 1503rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion sa pangunguna ni PSMS Hexane A Wallayan sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Chester M Boclongan katuwang ang mga guro sa nasabing paaralan.
Tampok sa lektura ang talakayan ukol sa Anti-Illegal Drugs, Anti-Bullying Awareness at Anti-Terrorism na may layuning paigtingin ang kaalaman ng mga kabataan sa mga panganib at masasamang epekto ng mga ito sa kanilang buhay.

Tinatayang 490 na mag-aaral mula sa naturang paaralan ang lumahok sa nasabing aktibidad na naglalayong maiwasan ang pagkaligaw ng landas ng kabataan at mailayo sila sa anumang uri ng kriminalidad.
Sa pamamagitan ng edukasyon at tamang impormasyon, inaasahang mas mapapalakas ang kakayahan ng mga mag-aaral na umiwas sa masasamang impluwensiya at maging responsableng mamamayan.
Ang nasabing inisyatibo ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PNP sa ilalim ng bagong pilipinas na turuan at palawakin ang kaalaman ng kabataan hinggil sa kanilang mga karapatan, pananagutan, at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang ligtas at may paggalang na kapaligiran sa pag-aaral.

