BPATs at Barangay Officials, nakiisa sa Road Clearing Operation

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team at Barangay Officials ng Shilan sa isinagawang Road Clearing Operation sa La Trinidad, Benguet nito lamang ika-25 ng Hulyo 2025.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng La Trinidad Municipal Police Station sa tulong ng mga miyembro ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee, mga barangay officials, BPATs, at iba pang mga volunteers.

Tampok sa aktibidad ang pagsasagawa ng road clearing operations tulad ng pagtatanggal sa mga bato, mga kahoy, at buhangin o putik na nakaharang sa mga kalsada dulot ng landslide dahil sa malakas na pag-ulan.

Layunin nitong alisin ang mga obstruksyon sa mga kalsada na maaaring maging panganib sa mga motorista.

Ang pagtutulungan na ito ay nagpapakita ng magandang ugnayan sa pagitan ng kapulisan at ng mamamayan tungo sa isang ligtas at maunlad na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *