MGSO Kitaotao, nagsagawa ng Clean-Up Drive

Matagumpay na isinagawa ng Municipal General Services Office (MGSO) ng Kitaotao ang isang Clean-Up Drive Activity noong Hulyo 25, 2025 (Biyernes) sa Purok 5-A, Poblacion, partikular sa paligid ng MGSO Building, Kitaotao, Bukidnon.

Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na CY 2025 Galing sa Pangangalaga ng Kalikasan (GPK) Evaluation.

Ang aktibidad ay bahagi ng inisyatiba ng lokal na pamahalaan upang mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at kagandahan ng kapaligiran, kasabay ng patuloy na kampanya para sa pangangalaga ng kalikasan.

Sa pangunguna ng MGSO personnel, sama-samang nilinis ang paligid, tinipon ang mga basura, at inayos ang mga dapat kumpunihin sa nasabing lugar.

Ang Clean-Up Drive ay nagpapakita ng pagtutulungan ng mga kawani ng gobyerno at ng komunidad sa pagtataguyod ng isang ligtas, maayos, at malinis na kapaligiran—isang mahalagang bahagi ng mga pamantayang sinusuri ng GPK evaluators.

Patunay rin ito ng dedikasyon ng Pamahalaang Lokal ng Kitaotao sa pagsusulong ng adbokasiya para sa kalikasan, bilang tugon sa panawagan ng national government sa mas pinaigting na environmental stewardship.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *