Bayanihan Typhoon Relief Mission, tulong-tulong na isinakatuparan sa Antique

0
viber_image_2025-07-31_15-43-27-577

Isang makabuluhang pagtutulungan ang nasaksihan sa Barangay Poblacion, Sebaste, Antique nito lamang ika-30 ng Hulyo 2025, sa matagumpay na pagsasagawa ng Bayanihan: Typhoon Relief Mission ng Police Regional Office 6 (PRO6) sa ilalim ng direktang pamumuno ni PBGEN Josefino D Ligan, Regional Director ng PRO6.

‎ Ang nasabing aktibidad ay isinakatuparan sa ilalim ng flagship program ng PRO6 na may temang “KASALIGAN, KAAPIN, KAAGAPAY MO!” na personal ding nilahukan ni PBGen Ligan.

‎Hindi lamang PNP ang kumilos sa misyong ito, kaagapay rin ang mga kasamahan mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), lokal na pamahalaan ng Sebaste, mga guro mula sa DepEd, at ilang civic organizations.

‎Ang sama-samang pagkilos na ito ay malinaw na larawan ng diwa ng bayanihan.

‎Bilang paunang tugon, isinagawa ang feeding program para sa mahigit 200 residente na nawalan ng tahanan at kabuhayan. Sa tulong ng mga guro, barangay officials, at mga volunteer mula sa LGU, naipamahagi nang maayos ang mga pagkain at nagsilbi rin ito bilang oportunidad na magbigay ng moral support at aruga sa mga batang apektado ng sakuna.

‎Higit 175 pamilya ang nakatanggap ng food packs at mga pangunahing pangangailangan. Personal na ipinamahagi ito ni PBGEN Ligan, na buong puso ring nakinig at nakiisa sa mga saloobin ng mga residente—isang malinaw na pagpapakita ng malasakit at epektibong pamumuno.

‎Naging mahalagang katuwang din ang BFP at MDRRMO sa pagtukoy ng mga high-risk areas at sa pagbibigay ng tulong medikal at seguridad habang isinasagawa ang relief operations.

Samantala, ang mga guro at community volunteers ay tumulong naman sa crowd management at pag-abot ng mga tulong.

‎Ang misyong ito ay patunay na sa gitna ng sakuna, ang sama-samang pagkilos ng iba’t ibang sangay ng gobyerno at sektor ng lipunan ay susi sa muling pagbangon ng komunidad.

Source: Antique PPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *