Magalalag at Lemu Day Care Center, isinagawa ang Lakbay Aral sa Enrile, Cagayan
Matagumpay na isinagawa ng Magalalag at Lemu Day Care Center Enrile Cagayan ang Lakbay Aral para sa mga mag-aaral sa Enrile Police Station noong ika-30 ng Hulyo 2025.
Sa aktibidad ng dalawang paaralan, ibinahagi ni PCpt Christopher Dawan at PSMS Melanie Lasam, WCPD PNCO ng Enrile Police Station, Cagayan Police Provincial Office, ang patungkol sa mga preventive measures laban sa Rape, Children’s Rights, Anti-Bullying, Crime Prevention, at ibang paalala sa Road Safety kasama ang mga magulang at mag-aaral ng Lemu Day Care Center, Lemu Surral, Enrile, Cagayan at Magalalag Daycare Cenrer na may kaugnayan sa kanilang Lakbay Aral Cagayan.
Ang aktibidad ay nagbigay ng aral hindi lamang sa mga mag-aral kundi pati na rin sa mga magulang patungkol sa pagbahagi ng pangangalaga at pakikiramay sa mga bata—sa pamamagitan ng masasayang aktibidad at tunay na pakikipag-ugnayan.

Tiniyak rin ni PCpt Dawan sa mga magulang ng mga mag-aaral na patuloy ang pagsusumikap para mapanatili ang pagiging child-friendly at ipinaalalahanan na huwag silang matakot sa mga kapulisan.
Samantala, layunin ng aktibidad na bumuo ng mas matibay na ugnayan sa pagitan ng paaralan, kapulisan at komunidad sa pamamagitan ng Project “TRUST” (To Render Unity and Safer Community Through Lectures and Seminars) upang mapanatili ang isang komunidad na produktibo, mapayapa, at progresibo.
Source: Enrile Pcr