PNP Pugo, BFP, at Barangay Cuenca, nagkaisa sa Tree Planting
Sa layuning maisulong ang pangangalaga sa kalikasan at mapalalim ang ugnayan sa komunidad, matagumpay na isinagawa ng mga tauhan ng Pugo Police Station, Bureau of Fire Protection (BFP) Pugo, mga opisyal ng barangay, kabataan mula sa KKDAT (Kabataan Kontra Droga at Terorismo), at mga miyembro ng BPATs (Barangay Peacekeeping Action Teams) ang isang tree planting activity sa Brgy. Cuenca, Pugo, La Union noong Hulyo 31, 2025.
Ang programa ay may layuning maisulong ang adbokasiya ng Philippine National Police (PNP) na “Makakalikasan,” isa sa mga pangunahing core values ng institusyon.
Aniya, “Who will protect her, if not us? Who will save her, if you don’t make a move? We live freely on this planet which God made for us. He gave us a wonderful environment that we slowly abuse and pollute. Doing something in return should be conducted for us not to suffer in the end. Alone we can do so little; together we can do so much.”

Ang mensaheng ito ang nagsilbing inspirasyon ng mga lumahok sa pagtatanim ng mga punongkahoy na inaasahang makatutulong hindi lamang sa pagbibigay lilim at ganda sa paligid, kundi lalo na sa pagpigil ng pagbaha, soil erosion, at pagbabago ng klima.
Ayon kay PCpt Burcio, ang simpleng hakbang na ito ay simbolo ng mas malaking pananagutan ng bawat isa para sa kapaligiran. “Ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang tungkulin ng iilan. Ito ay responsibilidad nating lahat, para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon,” aniya.
Ang tree planting activity ay hindi lamang isang environmental initiative kundi nagsilbi ring pagkakataon para sa mga ahensiya at mamamayan na magbuklod tungo sa iisang layunin — ang mapanatili ang kalikasan para sa isang mas ligtas, malinis, at maunlad na komunidad.
Sa pagkakaisang ipinamalas sa aktibidad na ito, pinatunayan ng mga taga-Pugo na ang tunay na diwa ng bayanihan ay buhay na buhay — at para sa kalikasan, sama-sama tayong kikilos.
Source: Pugo PS