Malawakang Joint Disaster Relief Operation, Isinagawa Sa Northern at Central Luzon

0
viber_image_2025-08-01_13-27-41-200

Isinagawa ang isang malawakang Joint Disaster Relief Operation sa Northern at Central Luzon para sa mga kababayan na nasalanta ng mga nagdaang bagyo. Pinangunahan ito ng Fraternal Order of Eagles – Philippine Eagles at Rotary Club of Camp Crame, katuwang ang Philippine National Police (PNP).

Umabot sa humigit-kumulang 7,000 indibidwal ang naging benepisyaryo ng naturang relief operation mula sa mga lalawigan ng Tarlac (Region III), Pangasinan at La Union (Region I), at Benguet at Abra (Cordillera Administrative Region).

Bago ang distribusyon, isang send-off ceremony ang isinagawa kahapon, Hulyo 31, sa Camp Crame. Pinangunahan ito ni PNP Chief, PGen Nicolas D Torre III, kasama ang mga pangunahing opisyal ng PNP at si Eagle Ronald Delos Santos, National President ng Fraternal Order of Eagles – Philippine Eagles.

Sa kabuuan, 3,500 relief packs ang naipamahagi na naglalaman ng bigas, canned goods, noodles, bottled water, at hygiene kits.

Layon ng aktibidad na maiparating ang agarang tulong at suporta sa mga komunidad na labis na naapektuhan ng kalamidad, bilang bahagi ng pagtutulungan ng pribadong sektor at ng pambansang kapulisan para sa kapakanan ng mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *